credit to UPLOADER
Dance of the Steelbars Official Trailer (Portfoliofilms)
credit to Portfoliofilm
@lendlfabella: @iamdongdantes‘ returns to bigscreen via Dance of the Steelbars which will be in theaters June 12.😊
Kung Fu Divas Teaser
credit to RealityMultimedia
REPOST: One True Love
credit to Dongyan Crusaders
DY NEWS-051913
Sam, ayaw nang ‘banggain’ ang alindog ni Marian!
ROSE GARCIA
Nangiti na lang si Sam Pinto nang mabanggit na number 2 na lang siya sa FHM at si Marian Rivera ang number 1. Kung matatandaan, sila palagi ni Marian ang tila naglalaban. Although, 2 years na ring na nag-top 1 si Sam. Sa palagay niya, posible pa siyang mag-number one ulit?
“Hindi ko po alam. Pero, ‘yung fans ko po talaga ang nagpu-push. It’s really up to them.”
Inamin ni Sam noon na nangangampanya talaga siya at gumagawa ng sariling gimmicks para manalo o mag-top 1 sa FHM. Gagawin ba niya ‘yun muli ngayon?
“It’s really up to them, sa mga fans. Ako, wala!” sabi niya.
“But for me, I’ll support them whatever they want. If they want me to win, I’ll support them.”
Noong unang nag-top 1 si Sam, may mga nasabi siya na sa aming palagay, naging dahilan para magkaroon ng tila word war sa mga supporters nila ni Marian. Posible kayang maulit ‘yun ngayon na sila ang naglalaban sa Top 1 and 2?
“Really, for me, there’s nothing to say. They’re the ones fighting. Me, I don’t wanna do anything about it, against it or anything. Kasi for me, bakit mag-aaway kung wala naman akong anything against them?”
Natawa naman ito nang kamustahin namin sila ni Marian.
“I don’t know? For me, the issue died and nothing continues. Wala namang nangyayaring masama.”
Nagkakabatian ba sila?
“Hindi naman kami nagkikita. Kasi, wala naman kaming shows together. Wala kaming any chance. Hindi rin kami nagkikita sa Party P. Kasi, magkaiba kami ng dressing room. Kapag siya ang nasa stage, pinapanood ko lang siya sa TV pero hindi nagko-cross ang path namin.”
Bakit hindi siya gumawa ng effort na batiin si Marian?
“Nahihiya ako. Baka sabihin niya, feeling close naman nito. So, when I see her, siguro I’ll smile lang at her and say hi and that’s about it.”
On the other hand, kapag ganitong season daw ng FHM’s Sexiest kung saan, tuwing July rumarampa ang mga top 100 sexiest FHM women, iniiwasan daw ni Sam na magbasa ng Twitter niya dahil alam daw niyang maraming nangba-bash sa kanya.
“For me, I don’t want to read it because, wala lang. For me, protection for myself.”
Dugtong pa niya, “I just browse it but not really, bakit kaya?”
Ano ba ang pinaka-grabeng sinabi o pangba-bash sa kanya?
“‘Yung pinaka-ayoko, ‘yung not worthy. Puro katawan lang. Well, I haven’t really given the chance to show what I can or really give.”
Ngayong number 2 na siya at kung gagawin niya ulit ang mga strategy na ginagawa niya in the past 2 years na aktibong nangangampanya, sa palagay niya, kaya niyang matalo si Marian sa number one spot ngayon?
“I don’t know? All I know, she has lots of fans and all her fans are really die-hard. So, I don’t know,” nakangiti niyang sagot.
Si Sam nga pala ang gumaganap na Diwata ng Dagat sa Indio ng GMA-7.
Marian: Kailan Nga Ba Ako Mag-a I Do?
credit to byTalmage4DY5
DY NEWS- May16-18 2013
Dingdong hinahanapan ng bagong kapareha
TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon)
Genesis ang working title ng primetime show ng coming soon show ni Dingdong Dantes sa GMA 7.
Nasa planning stage pa ang project kaya hindi pa sure kung sino ang magiging leading lady ni Dingdong.
Hindi natuloy noon ang team up nina Dingdong at Kylie Padilla sa Haram at Pahiram ng Sandali. Baka puwede na silang magtambal sa Genesis.
Party Pilipinas wala pang bagong title
Itinanggi ng mga bossing ng GMA 7 na Spotlight ang pamagat ng Sunday show na hahalili sa Party Pilipinas.
Actually, ang Spotlight ang isa sa mga title na pinagpipilian. Sure ako sa aking balita dahil naabutan ko noong Miyerkules sa isang restaurant ang meeting ng production staff ng bagong programa. Sila ang nagbanggit sa akin ng working title na Spotlight kaya kampanteng-kampante ako sa isinulat ko. ’Yun lang!
***
NORA CALDERON
Masayang ibinalita sa amin ni Direk Cesar Apolinario na mapapanood na sa Dance of the Steel Bars nina Dingdong Dantes and Hollywood actor Patrick Bergin ang cameo role ni Marian Rivera sa movie na idinirek niya tungkol sa mga dancing inmates ng Cebu.
Madali raw pumayag si Marian na mag-guest sa indie film pero pagkatapos nitong makapag-shooting ay ipinatanggal daw ang nasabing cameo role. Pero ngayong malapit nang ipalabas ang movie sa June 12, nakipag-usap muli si Direk Cesar sa bagong management ni Marian at pumayag silang isali muli ang cameo role ni Marian.
Tamang-tama naman na may mapapanood na ang fans nina Dingdong at Marian dahil miss na miss na nila ang dalawa dahil matagal na silang walang ginagawa. After Pahiram ng Sandali, may bagong soap si Dingdong na gagawin sa GMA 7 pero si Marian hindi pa alam kung tuloy ang kanyang sitcom sa network.
***
Marian at Dingdong, nagpa-tattoo sa batok at pulso
ROSE GARCIA
Siguradong matutuwa ang mga Dong-Yan fans dahil sa international-independent film ni Dingdong Dantes na Dance of the Steel Bars kung saan, kasama niya rito ang Hollywood actor na si Patrick Bergin.
Nasabi naming matutuwa ang mga Dong-Yan fans na matagal na rin na nami-miss ang mag-sweetheart na ito na mapanood nilang magkasama lalo na sa big screen ay mabibigyan na sila ng pagkakataon dahil sa ginawang cameo role ni Marian sa pelikula.
Ang alam namin, pinatangggal na raw dati ng manager ni Marian na si Popoy Caritativo ang naturang cameo ni Marian. Maaaring isa sa dahilan nito noon, wala naman talaga sa orihinal na usapan na magka-cameo nga si Marian.
Nagkataong nasa Cebu noon si Dingdong at nagsu-shooting nang dalawin ni Marian.
Napag-isipan ng director nito na si Direk Cesar Apolinario na isama si Marian sa isang cameo scene, pumayag naman daw agad si Marian at nagsuot ng kulay orange na damit.
Sa Cebu Bilibid prison kasi ang location ng pelikula. Anyway, this time, mapapanood na rin sa June 12, ang cameo ni Marian sa Dance of the Steel Bars.
Nang mag-iba yata ng manager si Marian at mapunta na nga ito sa Triple A, pinakiusapan daw ni Direk Cesar si Rams David kung puwede itong ilagay ulit dahil siguradong ikatutuwa ng mga fans ng dalawa.
Wala pa kaming nakakausap as of presstime, pero base sa tweet ni Direk Cesar na, “And the good news is Yan’s scene w/ Dong stays”.
Walang duda na pumayag ang bagong management ni Marian na ipalabas ang pagka-cameo ni Marian sa Dance of the Steel Bars.
On the other hand, hindi naman itinago nina Dingdong at Marian ang pagpapalagay nila ng bagong tattoo kay Myke Sambajon of P&P Tattoo and Body Art.
Isang butterfly ang pinalagay ni Marian sa kanyang likuran, bandang batok at simbolo naman ng Alpha and Omega sa kanyang kaliwang braso, bandang pulso niya ang pinalagay ni Dingdong.
***
PEP ALERT
Makakasama na sa Dance of the Steel Bars ang cameo appearance ni Marian Rivera, ang girlfriend ng bida ng pelikula na si Dingdong Dantes. Pinakiusapan ng direktor ng pelikula na si Cesar Apolinario si Rams David ng Triple A, ang bagong nagma-manage kay Marian, kung puwedeng ilagay uli ang cameo na pinatanggal noon ng dating manager ng aktres na si Popoy Caritativo. Ipalalabas ang Dance of the Steel Bars sa June 12.
***
Mell T. Navarro
KUMPIRMADONG magsasama sa pelikula under Star Cinema sina Dingdong Dantes at Bea Alonzo.
Ayon sa aming source, ginagawa na ng film company ng ABS-CBN ang istoryang babagay sa bagong tandem nina Dingdong at Bea.
“Napadala na ang copy ng contract ng Star Cinema sa office ng PPL Entertainment (management company ni Dingdong, under his long-time manager Perry P. Lansigan),” sabi ng aming reliable source. “Inaayos lang ang ilang terms, then, pipirma na si Dingdong anytime soon.”
Exciting ang new movie na ito dahil kilalang kapwa mahusay at award-winning ang dalawang bida, at tiyak na marami ang mag-aabang dahil kahit Kapamilya si Bea at Kapuso naman si Dingdong, mapagsasama sila ng Star Cinema in one film.
Naunang na-feature sina Bea at Dingdong sa cover ng anniversary issue ng Men’s Health magazine na na-release ngayong buwan, at maganda raw ang sales ng nasabing edition.
“Nakitaan siguro ng management ng magandang chemistry sina Bea and Dingdong sa pictorial na ‘yun ng magazine kaya naisip ng Star Cinema na gawan sila ng new movie,” sabi naman ng isa pang source.
Matatandaang naka-two years in a row na ang paggawa ni Dingdong ng pelikula sa Star Cinema, na parehong naging blockbuster, at nagpanalo rin pareho ng Best Actor sa kanya sa Metro Manila Film Festival.
Ang unang MMFF victory niya ay for Segunda Mano with Kris Aquino and Angelica Panganiban noong 2011, sumunod ng One More Try with Angel Locsin and Angelica uli last year, 2012.
Pang-MMFF this year kaya ang Bea-Dingdong film?
“Depende kung ma-aaprove sa Star Cinema ang isa-submit sa kanilang concept ng pool of writers,” sagot ng aming informant.
Nasa ikatlong taon nang expired ang contract ni Dingdong sa GMA Films, ang film outfit ng Kapuso Network, kaya freelancer siya at malayang nakakagawa ng pelikula sa ibang outfits, at lagi namang may magandang offer sa kanya ang Star Cinema.
Ang TV contract naman ni Dong sa GMA ay magtatapos na ngayong August 2013, kaya inaabangan ng showbiz observers kung magre-renew ang aktor sa Siyete sa mga susunod na araw.
Samantala, mauuna munang ipalabas ang Dance of the Steel Bars ni Dingdong sa June 12, exclusively sa SM Cinemas.
Gumaganap si Dingdong dito bilang dance instructor na mapaghihinalaang nakapatay ng tao at makukulong.
Ang nasabing movie ay tinatampukan din ng Hollywood actor na si Patrick Bergin, kasama sina Ricky Davao, Joey Paras, Mon Confiado, at Kathleen Hermosa.
Ang Dance of the Steel Bars ay directed by Cesar Apolinario (of GMA News and Public Affairs) at Marnie Manicad, mula sa Portfolio Films at GMA Films.
SHARED/TWEETED PICS May13-18 2013
CREDIT ALL IMAGES TO THEIR RESPECTIVE OWNERS

***
Super love my dress by miu miu… 🌻🌻🌻#eatbulaga

***
Georcelle & Marian @ Eat Bulaga

***
Marian Rivera with Mr. pogi 2012 John Edric

***
salonprivatmanila instagram:
Thank you for dropping Salon Privat Ms. Marian Rivera, and hope to see you again soon


***
myjaps via instagram:
Thank you ate @therealmarian 😊

***

***

***
Dingdong Dantes for Bench’s newest denim campaign

***
Gabby Eigenmann Instagram:
Congrats yan!! @therealmarian kaw na ang certified chef!! Hahaha

***






***
anne_kane via instagram:
visited Dong during his tat session with @mstattooofficial. Astig ng tat. It was great to see you guys @dongdantes @therealmarian. Sweet couple and down to earth. Thank u.

***


***
Me, Myself and I… 🎀

***

***

FHM Cover Girl Marian Rivera Vies for this Year’s Sexiest Woman! ALUL, 05-16-13
credit to byTalmage4DY5
Marian Rivera on Kusina Master, May 14-17-2013
credit to byTalmage4DY5
